📌

📌

3.1.11

KKT Files (Kanya-kanyang Trip): Relax.You will fail.



<br /> <a href="http://video.ph.msn.com/watch/video/stripper-pole-dance-fail/1j7odycln?fg=sharenoembed" target="_new" title="Stripper Pole Dance Fail">Video: Stripper Pole Dance Fail</a>

KKT File # 18: Relax, you will fail.
Panuorin ang babae sa video. Hindi yan ang first time mong makanuod ng babaeng sumasayaw sa video na may masalimuot at nakakatawang ending.

Maraming mapapansin sa video:

1. Ang kanyang tie-dyed shirt na suot na uso nung 70's
2. Ang kanyang background music na Vengaboys na sumikat nung 90's
3. Ang pole na mukhang hindi naikarpintero ng maige.
4. Ang kanyang malupit na pagbagsak na mala WWE ang pag-slam sa sahig.
5. Ang kanyang pag-iisa sa kwarto.

Ang tanong, ang daming fail spots sa video, at marami na ring ganyang nangyari na kumalat sa internet, pero nangyayari pa rin?

Huwag kang magalala, relaks lang, dahil you will fail. Part ng buhay yan. Di lahat ng ishoot mong bola, papasok. Kadalasan, mintis. Sablay. Relax, you will fail.

Maitatanong mo parang ang negatibo ko naman ngayong 2011 na kabago-bago. Pero ang punto ko lang, isipin mo kaagad ang positibo sa bawat failure ng araw mo. Di lahat magiging okey ngayon.

Parang yung babae sa video, I'm sure dalawa lang yan: Di na siya sasayaw ulit. O titibayan na niya yung pole.
(Or para mas safe, gagawin na lang niya ng walang videocam. ) See, ang daming options diba?
Bumagsak man siya, I'm sure nakabangon pa rin siya kahit papano. (O naospital man)

Kaya relax, you will fail.


(p.s. shoutout to sexy bloggers jepoy & chikletz. alam kong parang seryosong usapang lasing na gagawa tayo ng VLOGs. Pero kung ganto ang kalalabasan ng video, eh parang......masaya!)

3 comments

  1. epic fail, pero gusto ko ang aral na naisulat mo. Ikaw na!!!!

    Simulan mo na vlog, testing kung baga. Pwede kang mag sayaw sa snow, or ipakita mo laman ng cabinet mo or ng cr mo mga ganung shitty stuff!

    Sampolan mo na!

    ReplyDelete
  2. onga reigun, it's your turn. haha!

    ReplyDelete
  3. WAHAHAHAHAHAHHAAHHAAHH!!! Lakas tawa ako dun dahil di ko naman inaaasahan na ganun pala mangyayari..hahah kala ko tatagal pa ng mga ilang minuto yung video.. abay.. hahahahahahah salamat... natawa ako dun

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig