📌

📌

8.10.13

Dear Jiggy Manicad

Dear Jiggy Manicad,

Isa kang batikang reporter. Inaalay mo ang iyong serbisyong totoo sa harap ng krisis, digmaan, sakuna at mga krimen. Ginagawa mo nang marangal ang iyong trabaho, at ginagawa ito ng mahusay at buong tapang.

Saludo kami sa iyo at sa galing mong mag-ulat ng mga balita at impormasyon, maihatid lang ito sa lahat ng Pilipino.




Dumagsa ang mga libu-libong bata at matanda ang sumuporta para sa'yo. 
Pinaalala mong tao ka pa rin, nagkakamali, at nakakatuwa pa rin. Tingin ko magiging uso ang pangalan sa mga baby ang 'Jiggy.' Mapapalalake o babae. 

At sa iyong mensahe para sa amin, taos-puso namin itong nilalasap. *smiley*

(Sige, cute ka na rin.)



Ipagpatuloy mo lang yan, bro.



Nag-uulat mula sa, umm, kasi sa umpisa, eh nagkagulo, tapos nagdisperse, pagkatapos nito, nagkaroon kasi sa simula ng pag-aaway, tapos, ayun na nga,

Michael Fajatin :)






1 comment

  1. Grabe to. Meron pa akong nakitang compilation ng mga bloopers ni Jiggy. Meron yung sabi nya "nahulog ang ilog sa bata". One time nahagisan sya ng bato sa ulo. Yung ibang GMA reporters dami rin sumikat na bloopers like yung "Excuse me powww" at yung babaeng hinabol ng aso. Pero the best talaga si Michael Fajatin. May narinig akong tsismis tungkol dun ewan ko lang kung totoo.

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig