📌

📌

7.8.11

I had a weird SHOWBIZ dream.

I had a weird dream last night.

Weird, not in a psychotic way, pero yung tipong pag-gising mo eh mapapa-"Huh?" ka na lang sa sarili mo.

Eto na yung panaginip na malupit:

Nasa isang lugar ako, kung saan di ko matandaang napuntahan o nakita ko na. Para siyang tabing-dagat, parang pier. Wala akong maalalang kasama, pero maraming tao. Di ko alam kung ano ang dahilan ng pagsulpot ko doon, pero andun lang daw ako, paikot-ikot, patanaw-tanaw.

Halos dapit-hapon yung oras, sakto lang ang panahon. Medyo maliwanag pa rin kahit papaano.

Hanggang sa napalingon ako sa may di kalayuan, may kumpulan ng mga tao. Parang tambakan ng mga Crate o mga cargo ng mga barko. Inisip ko baka mga trabahador lang na nagsama-sama sa lugar na yon.

Ako naman etong si Captain Uzi, naki usisero na rin ako. aba aba aba, may artista pala!

Parang may photoshoot ata akong nakita. Ang tinitira ng mga camera:

Si Angelica Panganiban.




Oo, tipong pang Men's Magazine ang shooting ata. Parang medyo revealing ang suot nya. Pang summer ba. Pero parang patapos na yung shooting.."Sayang!" sabi ko, di ko man lang na-stolen shot at mai-upload sa Facebook o sa Twitter at sabihin ko na "SI ANGEL GAIS!!!"

Ngunit, sa di malamang dahilan, parang naglaho yung mga ibang mga di naman bida sa panaginip ko. Ang natira na lang, ako at si ANGELICA PANGANIBAN! 

OMG! 

Lumapit daw ako na parang di natataranta kuno at chill lang. Sabi ko raw "Hi."

Aba't akalain mong nag-hello si ANGELICA PANGANIBAN!

SHUCKKKS!!!  

OOOPS, teka, ang mga susunod na mga linya ay iba sa iniisip mong nangyari. Wholesome dream ito okey?

So eto na, bigla kong nalaman na may dala akong DSLR na camera.

Edi shoot ko naman daw siya, at game siyang nag-pose. Pinakita ko sa kanya yung shot, nagustuhan niya!

Edi go lang ako ng go ng shoot kay ANGELICA PANGANIBAN!  omgomgomg.

Nagiging fashyown photographer ako, at tipong mga pang Men's Magazine Centerfold shots ang mga pose nya! BRILLIANT!

Nang matapos ang aming mini-photoshoot, eto ang mga pinaka-malupit kong mga katagang nasabi:

Ako: "Umm, asan si Derek (Ramsey)?" (Feeling close kami?)

Angel: "Ay, wala siya dito eh."

Ako: "Ah, sayang. Magpapapicture sana ako sa kanya, para naman matuwa nanay ko, crush niya kasi yun."



At dun nagtapos ang maliligayang sandali ko with Angel, na hinanap ko naman si Derek sa huli. ANUBAYUN!

Next week, abangan niyo ang panayam sa akin ng The BUZZ ukol sa namumuong relasyon namin ni DEREK!!!







3 comments

  1. bwaahahahaha, baka si derek pala ang gusto mo mapanaginipan. hahaha

    ReplyDelete
  2. Hahaha ang gay ng dream mo :)

    ReplyDelete
  3. hahaha LOL! ang showbiz!

    ReplyDelete

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig