📌

📌

15.11.10

Formspring:Ginusto mo ba talagang maging nurse? May panahaon bang pinagsisihan mo na pinili mo ang propesyong ito?

Salamat sa tanong Mr./Ms. Anon.

Ginusto kong magnurse. Pero hindi yan ang una kong naisip na course.

Naisip ko muna maging abugado, engineer, architect, journalist, etc. Naging nars ako kasi ayoko ng typical office work, at gusto ko eh science related. At feeling ko lang eh people-skills ang strength ko. Taray!
Dahil na rin nag nars ang ate ko, gayagayaputomaya ako. Mahal din ang magdoktor (at kelangang maging uber talino mo dun), so nag narsing ako.

Oo, maraming panahon na ang nangyari na pinagsisihan ko na ito ang pinili ko. Pag me mga panahong grabe ang pagod at katoksikan, madaling umayaw. Pero dapat iisipin mo rin na kung di ka talaga masaya, matagal ka nang tumigil sa kung ano mang ginagawa mo. kasi, niloloko mo lang ang sarili mo.

Oha, may reflection at moral lesson pang nalalaman amp. Pwede namang Oo o Hindi na lang ang sagot.

Salamat ulit.

Maepal sumagot,

reigun

No comments

Post a Comment

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig