📌

📌

13.4.10

The Countdown Shutdown (Pre-OFW mode)

Eto ang pinagkakaabalahan ko netong mga huling linggo:
Abbey Road (Remastered)

Project Queen Beatles.

Wala namang nakakaalam kung ano yun. At wala rin namang may pake kung alam man nila kung ano yun.

Pero palapit na ako sa home stretch. Wala pa naman sa last 2 minutes ng basketbol. Pero malapit-lapit na.

Dahil tinotoxic at pinepressure na ako ng mga kung sino-sinong mga tao.

" Just wanted to know if you have any new updates with regards to your progress in your application."


"We want you all to be here by the 12th of May 2010."

Whut.

Hindi pa nga ako makaisip ng ilalagay sa resignation letter ko eh.

Yung mga kaliwa't kanang mga emails ang mga nakakaexcite at nakakakabang basahin.

(Di tuloy ako makapag concentrate mabuti sa tumblr, facebook, spankwire, at friendster.)

Pilipinas, eto ba ang legacy mo sa aming lahat: ang magpakahirap mag aral sa bayan mo, magpakahirap kumayod dito. Tapos hahayaan mo kaming lumayas para doon naman magpakahirap? Sana di ito danasin ng kahit na sino pa. May pera ka nga, para ka namang bulaklak na hinugot sa lupang tinubuan.

shet.

No comments

Post a Comment

© The GZT. | All rights reserved.
BLOG TEMPLATE HANDCRAFTED BY pipdig